Humanitarian aid para sa Ethiopia, hinarang ng Eritrean troops

Hinaharang ng Eritrean troops ang humanitarian aid para sana sa nagugutom nang mga mamamayan na naipit sa war-torn northern Tigray region sa Ethiopia.

Ayon sa report, nagpapanggap pang Ethiopian military ang Eritrean troops para harangin ang mga nagbabalak na magdala ng tulong sa mga sibilyan.

Sa kabilang banda, nahihirapan ang media na matukoy ang tunay na sitwasyon dahil sa restriction ng Ethiopian government para makapasok sa lugar.

Sa kabila nito, ilang humanitarian workers, doctors at maging mga sundalo ang nagsabi na aabot sa 800,000 na displaced people ang pansamantalang nanunuluyan sa lungsod ng Axum.

Napag-alamang hirap na hirap na din ang mga evacuees dahil sa kakulangan ng pagkain, tubig at iba pang pangangailangan

Sa kasalukuyan ay walang senyales na aalis sa border region ang Eritrean forces.

Matatandaan na nagsimula ang tensiyon sa Ethiopia sa “clash” sa pagitan nina Prime Minister Abiy Ahmed at ruling party ng rehiyon na Tigray People’s Liberation Front na nagsimula noon pang nakaraang taon. (LEO NAVARRO- MALICDEM)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *