Humigit-kumulang 20 kilo ng hot meat, nakumpiska sa Legazpi City

LEGAZPI CITY – Humigit-kumulang 20 kilo ng “hot meat” ang nakumpiska sa isinagawang inspeksyon sa mga meat vendors sa lungsod ng Legazpi.

Ayon kay Legazpi City Veterinarian, Dr. Manuel Estipona, nangyari ito sa Brgy. Bogtong, Homapon at San Francisco, kung saan tinatayang nasa PHP6,000 ang kabuuang halaga ng nakumpiskang karne.

Aniya, ang paglilibot-libot na ito ay kasunod ng patuloy na ipinatutupad meat inspection code sa lungsod.

Paglilinaw naman niya, apat ang kabuuang bilang ng inspeksyon sa mga karne ang isinagawa bago ito ibenta, kung saan, isa bago pumasok sa slaughter house; dalawa kapag nasa loob na; at ang huli ay ang inspeksyon sa labas o sa mga merkado, kaya posibleng ang mga nakumpsika ay ang mga hindi dumaan sa tamang proseso.

Sa kabila nito, ayon kay Estipona, halos lahat naman ng mga meat vendors ay compliant dahil 2% lamang mula sa 100 na vendors ang mga lumalabag.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *