CAMARINES NORTE- Naipamahagi ang humigit kumulang 300 piraso ng Kabir Breed na manok sa mga piling benepisyaryo sa Calaguas Island
Yan ay programang tulong hanap-buhay para sa mga nasabing residente ng isla na ipinamahagi ng kapulisan ng CNPPO, mga tauhan ng Provincial Community Affairs and Development Unit, sa pakikipagtulungan ng TESDA at Department of Agriculture.
Naganap yan noong Abril 28, taong kasalukuyan kung saan sa isinagawang programa, nagsagawang muli ng pagtalakay ang pangkat tungkol sa wastong pagpapalaki ng mga organikong manok at ang iba’t ibang pamamaraan na ginagamit sa pag-aalaga ng nasabing hayop tulad ng pangangasiwa ng pagpapakain, pagpaparami, at produksyon ng itlog.
Ang pagpapatupad ng nasabing Livelihood Project o “Kabir” Chicken Raising ay naglalayong mabigyan at mapataas ang kita ng mga residente ng Barangay Banocboc, Vinzons, Camarines Norte sa pamamagitan ng produksyon at pagbebenta ng mga organic brown eggs mula sa mga ipinamigay na manok.
