Humigit-kumulang 72,000 na mga Daragueño, bakunado na laban sa COVID-19

LEGAZPI CITY – Kinumpirma ng Municipal Health Office (MHO) ng Daraga, Albay na nasa 72,193 na ang mga fully vaccinated laban sa COVID-19 sa bayan.

Sa datos dito, 76% na umano ang kanilang naaabot sa target, ngunit mayroon pang 20,534 na hindi pa nababakunahan.

Ito ang dahilan kaya’t muling ipinapaalala ni Dr. Edna Freya Tan sa mga residenteng hindi pa nababakunahan na makiisa sa kanilang mga isinasagawang vaccination upang mabigyan ng proteksyon laban sa malalalang sintomas ng nasabing sakit.

Ayon sa kanya, ang mga nais na magpabakuna ay pumunta lamang sa kanilang tanggpan, mula Lunes hanggang Biyernes, alas otso ng umaga hanggang alas singko ng hapon.

Ito aniya ay maliban pa sa mga scheduled vaccination drive sa iba’t ibang barangay sa bayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *