Humigit kumulang kalahating milyong halaga ng pera, ninakaw sa Puerto Princesa

Masusing iniimbestigahan ng Police Station 1 ang insidente ng pagnanakaw na naitala sa Barangay San Manuel sa Puerto Princesa.

Sa blotter ng barangay nitong nakalipas na Sabado, March 18, isang bahay na tinutuluyan ng isang banyaga o koreano ang ninakawan ng mga pera kung susumahin ay aabot umano ang halaga sa halos kalahating milyon.

Nakuha sa hindi pinangalanang mga biktima ang 200 US dollar, 50,000 Yuan, at Php150,000.00 at Php190.

Kaugnay nito, nakuhanan ng CCTV camera ang pagpasok ng tatlong kalalakihan sa sliding door bago ninakaw ang mga pera habang sila’y tumakas lulan ang isang motorsiklo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *