“Huwag iboto ang mga kandidatong sangkot sa illegal drugs!” – PDEA

Nanawagan ang Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA sa mga botante na huwag nang iluklok sa eleksyon ang mga kandidatong nauugnay sa illegal drugs.

Sinabi ni PDEA Director General Wilkins Villanueva na hindi malayong mayroong mga reelectionist at mga bagong kandidato na posibleng pondohan ng mga sindikato ng droga kapalit ng proteksyon.

Ayon kay Villanueva, inaasahan na ding maglalabas na naman ng limpak-limpak na drug money ang ilang pulitika para matiyak ang kanilang panalo sa halalan.

Babala ni Villanue, posibleng magpatakbo ng mga kandidato ang mga sindikato para makakuha ng proteksyon ang kanilang iligal na gawain.

Ang panawagan ay ginawa ni Villanueva matapos maaresto ang isang dating police officer na kumakandidatong alkalde sa Mountain province matapos makuhanan ng 19 na bricks ng marijuana leaves na sinasabing may street value na P2.28 million .

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *