‘Huwag maging kampante sa laban kontra COVID-19’ – Go

Umapela si Senador Christopher Bong Go sa lahat na huwag magpa-kampante sa laban kontra COVID-19.

Kasabay nito nanawagan din si Go sa mga kina-uukulan na pabilisin pa ang vaccine rollout sa buong bansa lalo’t naghahanda na ang gobyerno sa mas malawak na COVID-19 vaccination para sa mas maraming populasyon.

Ayon sa Senador huwag nang hintayin na mag-expire pa ang mga bakuna at masayang lamang dahil buong mundo ay nag-aagawan ng supply nito.

Maliban sa maayos na storage ng mga bakuna, pinatitiyak ni Go na makakarating sa lahat ng sulok ng Pilipinas ang mga bakuna para masigurong walang maiiwan tungo sa pagbangon ng bansa mula sa pandemic.

Samantala kasunod ng bahagyang pagluwag ng quarantine restrictions mula sa MECQ patungong GCQ sa NCR plus umapela ito sa publiko na panatilihing sumunod sa mga health and safety protocols lalo’t kinumpirma ng DOH ang pagpasok ng unang kaso ng Indian variant. (LEY BAGUIO)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *