IATF, nire-review ang panawagan para sa outdoor ban ng minors

Rereviewhin ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases ang apela ng mga alkalde ng Metro Manila na ibalik ang mga restriksyon para sa mga kabataan na limang taong gulang pataas.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, na napag-usapan na ito ng mga dalubhasa at inaasahan na maglalabas na sila ng rekomendasyon sa IATF ngayong araw.

Binigyang diin naman ni Roque na hindi nila binabalewala ang mga suhestyon ng mga alkalde pagdating sa implementasyon ng mga polisiya ng IATF.

Sinabi naman ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos na unanimous ang desisyon ng mga alkalde na hilingin sa gobyerno ang pagpapanumbalik ng mga restriksyon para sa mga kabataan.

Noong July 16, ay pinayagan ng IATF ang mga bata na limang taong gulang pataas na lumabas ng kanilang mga bahay at bumisita sa open areas at parks na nasa general community quarantine at modified GCQ areas.

Kinonsidera ng IATF ang mental health ng mga kabataan, na hindi napayagang lumabas ng kanilang bahay ng mahigit isang taon at kalahati mula nang mag-umpisa ang pandemya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *