IATF, pinayagan ang point-to-point travel sa NCR Plus bubble

Pinayagan na ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) ang point-to-point travel para sa mga residente mula sa National Capital Region Plus bubble bilang bahagi ng efforts na mapaunlad muli ang turismo sa mga probinsya.

Nagtakda naman ang Department of Tourism ng dalawang klasipikasyon ng point-to-point travel, na isang uri ng pagbyahe sa pagitan ng dalawang lugar na walang stopovers o pagbabago sa ruta.

Una na rito ang direct point-to-point kung saan ay required sa mga residente ng NCR Plus Bubble na mag-book ng roundtrip chartered flights mula sa isang airport sa bubble papunta sa isang hotel o accomodation establishment.

Pangalawa naman ang point-to-point travel, na may kasamang short transfers, kung saan ay required pa rin ang pag-book sa isang chartered flight.

Sinabi ng DOT na kailangan ay pagmamay-ari ng byahero ang service na magsasagawa ng private transfer by land o by water.

Pwede rin naman kumuha ang byahero ng transfer service mula sa tinitirahan nilang accomodation establishment.

Iginiit ng DOT na kailangan ng mga turista na pipili sa point-to-point travel with short transfers , na umiwas sa pagpunta sa mga public transport hub o sa pakikihalubilo kasama ang mga tao na hindi guests sa kanilang accomodation establishment.

Leave a Reply

Your email address will not be published.