IATF, titingnan kung magiging praktikal pa sa bansa ang pagpapatupad ng travel ban

Pagpupulongan ng gobyerno kung kailangan pa nito pahabain ang implementasyon ng travel ban sa gitna ng dumaraming kaso ng Omicron variant sa Pilipinas.

Base sa huling genome sequencing run ay nakapag-detect ang Pilipinas ng 29 na bagong Omicron cases at 18 na Delta variant mula sa 48 samples.

Sinabi ni Health Secretary Francisco Duque na aalamin ng IATF en banc kung magiging praktikal pa ang implementasyon ng travel ban.

Kung maalala ay nagpatupad ng travel restrictions ang Pilipinas sa maraming bansa, ilang araw matapos ma-detect ng South Africa ang Omicron variant noong November 24.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *