Ibalong Festival muling bubuksan ng LGU Legazpi

LEGAZPI CITY – Halos dalawang taon na hindi nagkaroon ng Ibalong Festival ang lungsod ng Legazpi dahil sa coronavirus disease (covid) 19 sa taon 2020 at 2021.

Ayon kay Cristina Agapita Pacres, ang City Tourism Office ng Legazpi, muling bubuksan ng City Government ng Legazpi ang 31st Ibalong Festival sa buwan ng Agosto 12 hanggang 21 2022 Marami umano na mga nakaline up na aktibidad tulad ng street dance presentation, mayon triathlon, volleyball, mutya ng Ibalong at marami pang iba.

Aniya, ang mga aktibidad na sasalihan sa competition ay kailangan fully vaccinated at susundin ang mga minimum health protocols ng IATF.

Sa pagbubukas ng Ibalong Festival ay inaasahang dadagsain ng turista ang lungsod ng Legazpi.

Ang Ibalong Festival ay isa itong pagdiriwang bilang pagkilala sa socio-histo­ric-cultural heritage ng mga Bicolano, base sa epikong Ibalong, na nagpapakita ng katapangan at lakas ng karakter ng tatlong bayaning sina Baltog, Handyong, at Bantong nang makipaglaban sa mga mapang-aping sina Tandayog, Oryol, Rabot, at iba pang mababangis na halimaw na nagtangkang gumulo sa kaayusan at katahimikan ng kanilang lugar.

Ang Ibalong Festival ay hindi relihiyosong pagdiriwang sa lungsod ng legazpi it ay base rin sa epikong Ibalong Epic, na ginagawa tuwing buwan ng Agosto.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *