Iba’t-ibang bansa sa EU, nagtala ng record high COVID cases

Nalampasan ng iba’t-ibang bansa sa Europe ang mga record nito para sa daily COVID-19 cases, na dahilan para ipatupad sa kontinente ang mga panibagong restriksyon.

Naiulat pare-pareho ng Slovakia, Czech Republic, the Netherlands, at Hungary ang mga panibagong record ng daily infections sa gitna ng tag-lamig sa Europa.

Kaugnay nito ay inirekomenda na ng European Centre for Disease Prevention and Control, na public health agency ng EU, ang vaccine boosters para sa lahat ng adults.

Iginiit ng ahensya na magiging prayoridad rito ang mga may edad 40-pataas.

Iba ito sa una nilang abiso kung saan ay sinabi na ang extra doses ay dapat ikonsidera lamang para sa mga matatanda at iba na may mahinang immune systems.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *