Iba’t ibang disenyo ng cakes na gawa ng PDLs sa Tabaco City para sa araw ng mga puso, itinampok

Nagpakitang-gilas ang mga Persons Deprived of Liberty (PDL) ng Tabaco District Jail ng nasabing lunsod sa paggawa ng samu’t saring mga disenyo ng cakes para sa araw ng mga puso.

Sa pagdiriwang nito kahapon ay naging mabenta ang mga ginawang cakes kung saan mabibili sa halagang _ang nasabing cakes.

Kapansin-pansin din ang iba’t ibang uri ng breads at pastries tulad ng chocolate crinkles, choco revel bars, caramel bars, brownies at macaroons.

Umaasa ang mga PDLs na ang kanilang mga ginawa ay susuportahan ng publiko para sa kanilang mga livelihood programs upang kumita nang malaki kahit sila ay nasa loob ng kulungan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *