Iba’t ibang grupo at sektor, hati ang naging reaksyon sa US Court ruling re: abortion

Hati ang naging reaksyon ng ilang mga grupo at mga sektor sa ginawang ressolusyon ng US Supreme Court hinggil sa legality ng pagpapalaglag sa Amerika.

Para kay UN Human Rights chief Michelle Bachelet, ang pagbabawal sa abortion ay malaking pasakit sa karapatang pantao ng mga kababaihan at sa gender equality.

Aniya, ang access sa legal, ligtas, at epektibong abortion ay isa sa mga core human rgihts ng mga kababaihan para i-practice ang kanilang sariling choice.

Samantala, pinuri naman ng Simbahang Katolika ang naturang hakbang ng US Supreme Court.

Ayon sa Vatican Academy for Life, ang pagdepensa sa human life ay hindi lamang nakakahon sa individual rights ng isang tao.

Ito rin anila ang panahon para mag-nilay-nilay sa isyu ng Western Society na tila raw ay nawalan na ng ‘passion’ para sa buhay.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published.