Iba’t ibang Rider Groups nagsama-sama para sa ride for a cause

Nagsama-sama ang iba’t ibang grupo ng mga riders ng Olongapo, Zambales, Bataan at Pampanga sa isang Ride for A Cause.

Ito ay para makalikom ng karagdagang pondo para sa pagpapagamot kay Gab, ang batang nabundol ng isang pampasaherong jeepney habang tumatawid sa pedestrian lane nakalipas na mga linggo.

Ayon kay Olongapo City Vice Mayor Jong Cortez, umabot sa 73,000 pesos ang nalikom sa ride for a cause nitong nakalipas na araw ng Linggo.

Pinasalamatan ng opisyal ang iba’t ibang grupo na tumulong sa pag-organisa para makatulong sa pamilya ng batang biktima.

Matatandaan na maliban sa mga rider groups & clubs ay mayroon pang iba’t ibang indibidwal at grupo mula sa mga pribado hanggang sa gobyerno ang nagtutulong-tulong na nagbibigay ng karagdagang cash sa pamilya.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

PHOTO: Vice Mayor Jong Cortez

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *