Iba’t ibang samahan sa Laguna, nakatanggap ng mga pangunahing gamit mula sa gobyerno

Binigyang-diin ni Laguna Governor Ramil Hernandez ang importansya ng pagkakaroon na sapat na kagamitan ng mga samahan o barangay lalo na’t sila ang pangunahing takbuhan ng mamamayan.

Kaugnay nito, namahagi ng mga pangunahing gamit tulad ng monoblock chairs, lamesa, tents, air-conditioned units, mga tubo, computer at maging printer ang lokal na pamahalaan ng Laguna.

Ilan lang sa mga samahan na nakatanggap nito ay ang Serbisyong Tama Kababaihan (STK), Tricycle Operators and Drivers’ Association (TODA), Jeepney Operators and Driver’s Association (JODA) at maging senior citizens.

Ang nasabing distribution of grants ay ginawa mula sa una hanggang ikaapat na distrito ng lalawigan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *