Iba’t ibang sektor sa Pilipinas – napasok na raw ng China ayon sa AFP

Unti-unti nang pumapasok sa Pilipinas ang China sa pamamagitan ng pag-impluwensiya sa iba’t-ibang sektor sa bansa.

Ayon kay AFP Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr., kasama na rito ang sektor ng edukasyon, negosyo, media, lokal na pamahalaan at iba pa.

Ito raw ang tila “United front works” ng China.

Taktika umano ng China na magpakalat ng “misinformation” para magkaroon ng pag-aaway-away sa bansa.

Kaugnay nito, nanawagan si Brawner sa publiko na huwag nang magmaang-maangan at maging maingat sa pagtanggap ng mga impormasyon para manaig ang katotohanan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *