Ibat-ibang uri ng mga matataas na kalibre ng baril, naharang sa isang menor de edad!

KULONG ang isang 13 anyos na binatilyo matapos na makuhanan ng mga matataas na uri ng armas partikular sa military Checkpoint sa Barangay Nabundas ng bayan ng Shariff Saydona Mustapha Maguindanao kamakalawa.


Sa report mula sa Joint Task Force Central ng 6th ID, minamaneho ng suspek ang isang kuliglig at habang isinasailalim ito sa pagsusuri ay tumambad sa mga otoridad ang nasabing mga high powered firearms.


Ayon kay Ist Mechanized Battalion Commander Lieutenant Colonel Cresencio Sanchez Jr ang nasabing mga armas ay kinabibilangan ng isang (1) M16 (Bushmaster), (1) M16 Rifle, 38 pieces ng M16 Barrels, six (6) pieces ng M14 Back Plate, two (2) pieces of M16 Butt plates, assorted parts for M14 and M16 rifles, one (1) unit Welding Machine, at three (3) pieces Metal clamp.


Sinabi pa ni Col. Sanchez na posibleng pag-aari ng BIFF ang nasabing mga armas na ngayon ay nasa kostudiya na ng Militar.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *