CAMARINES NORTE- Isinurrender ng concerned citizen sa lokal na pamahalaan sa Bayan ng Panganiban sa Camarines Norte ang isang ibong nagngangalang Oriental Honey Buzzard na kalahi umano ng agila nitong Lunes, July 3, 2023.
Ang concerned citizen na nagbalik ng nasabing ibon ay si Enesterio Delos Santos na taga Brgy. Luklukan Sur sa bayan ng Jose Panganiban.
Ayon kay Delos Santos, dinala niya ang ibon sa kagawad ng naturang barangay at ipinaalam kaagad sa Committee Chairman ng Environmental Protection ng Jose Panganiban.
Agarang nakipag-ugnayan ang Committee Chairman sa ahensya ng PENRO ng Camarines Norte upang maiturn-over ito sa DENR.
Dahil sa pagmamalasakit at pagbibigay ng respeto sa kalikasan ni Enesterio Delos Santos ay binigyan siya ng papuri ng buong LGU-Jose Panganiban at ayon rin sa alkalde ng naturang bayan ay nais niyang anyayahan ito upang makapagpasalamat sa ipinamalas niyang ginawa sa ibon. Samantala, nagbigay naman ng paalala ang Municipal Environment and Natural Resources Office sa mga mamamayan ng Jose Panganiban na kung sakaling makakita at makahuli ng mga mapanganib o kakaibang hayop ay agad itong ibalik sa kanila upang mapangalagaan.
