IBP, nanawagan ng dayalogo sa gitna ng word war sa pagitan nina PRRD at Carpio

Sa gitna ng patuloy na bangayan sa pagitan nina Pangulong Rodrigo Duterte ay retired Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio, nanawagan ang presidente ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) para sa isang dayalogo tungkol sa mga isyu sa West Philippine Sea.

Ayon kay IBP president Domingo Cayosa, siguro ay tuwang-tuwa ang Tsina na nakikitang nagbabangayan ang mga opisyal ng Pilipinas dahil watak-watak tayo pagdating sa nasabing usapin.

Ginawa ni Cayosa ang pahayag matapos na kumasa si Carpio sa hamong debate ni pangulong Duterte tungkol sa WPS issue partikular sa pag-withdraw ng Philippine Navy noong 2012 Scarborough Shoal standoff.

Gayunman, naniniwala si Cayosa na mas magiging mainam na magsagawa muna ng dayalogo bago ang public debate para maiwasan ang politika at di pagkakaibtindihan.

Aniya, sa pamamagitan ng dayalogo, makakakuha ang lahat ng partido ng mahahalagang detalye, impormasyon, at datos na maglilinaw sa kanilang mga argumento.

Dagdag ni Cayosa, di dapat limitado lamang kina pangulong Duterte at Carpio ang talakayin sa isyu, dapat ay isali rin ang concerns ng iba pang sektor. (VELLA GONZAGA)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *