iBU student portal app ng Bicol University-ICTO, nakakuha ng positibong reaksyon mula sa mga mag-aaral

Nakakuha ng positibong reaksyon mula sa mga mag-aaral ng Bicol University ang iBU student portal app na maaaring panguhaan ng mga datos ng mga studyante na ginawa ng BU Information and Communication Technology Office (ICTO) na inilunsad lamang nitong ika-11 ng Pebrero.

Ayon kay Lyka Larca, 3rd Year Public Administration student ng nasabing pamantasan, mas madali ang pag-access ngayong ng mga kailangang impormasyon, tulad ng marka sa mga kurso at asignatura, kumpara noon sa website na pahirapan lalo na kapag marami ang mga gumagamit nito.

Samantala, ayon kay BU-ICTO director, Dr. Aris Ordoñez, matagal na nilang nagawa ang nasabing app ngunit ngayon lamang naisapubliko sa kadahilanang marami at mahirap ang naging proseso.

Sa kabilang banda, masaya sila sa naging inisyal na reaksyon ng mga mag-aaral patungkol dito, ngunit ayon sa kanya ay dapat mas bigyan ng pansin ang mga nasa likod ng proyektong ito, lalo na ang mga junior programmers na fresh graduate ng Bicol University.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *