ICC, pinabubuksang muli ang imbestigasyon sa drug war

Pinabubuksan muli ng prosecutor ng International Criminal Court ang imbetigasyon nito para sa kampanya laban sa iligal na droga ng outgoing administration.

Sa ilalim ng 53-pahinang resolusyon, hiniling ni ICC prosecutor Karim Khan sa mga judge ng pre-trial chamber na ituloy ang naunsyami nitong imbestigasyon.

Aniya, bigo ang Gobyerno ng Pilipinas na maglunsad ng imbestigasyon sa mga napapatay sa police operations.

Hindi raw sumasalamin ang imbestigasyon ng Gobyerno sa probe na ginagawa ng Prosecution.

November 2021 nang suspendihin ng ICC ang imbestigasyon nito sa ‘di umano’y crimes against humanity.

Kamakalawa nang sabihin ni Pangulong Rodrigo Duterte na walang hurisdiksyon ang ICC na mag-imbestiga sa Pilipinas lalo na’t kumalas na ang gobyerno rito.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *