Editors Pick

ICC prosecutor, tutol sa apela ng Pilipinas na ipagpaliban ang imbestigasyon sa war on drugs

Nanawagan si International Criminal Court (ICC) prosecutor Karim Khan para sa pagbabasura sa hiling ng gobyerno na suspendihin ang resumption sa imbestigasyon sa war on drugs ng nakaraang Duterte administration.

Giit ni Khan, hindi nakapagbigay ang Manila ng anumang substantial argument para suspendihin ang imbestigasyon.

Mababatid na ang Pilipinas, sa pamamagitan ng Office of the Solicitor General (OSG) ay naghain noong Feb. 3 ng notice of appeal sa appeals chamber ng  ICC para baliktarin ang desisyon ng pre-trial chamber na muling buksan ang drug war probe.

Noong September 2021, nang aprubahan ng ICC’s pre-trial chamber ang pagbubukas sa imbestigasyon para sa mga krimen na nagawa umano mula November 2011 hanggang March 2019, kabilang na ang extrajudicial killings na ginawa sa Davao Region ng “Davao Death Squad”, pero pansamantalang sinuspende ito ng ICC noong Nobyembre sa parehong taon, matapos sabihin ng gobyerno na naglunsad din ng sariling imbetigasyon ang mga lokal na otoridad.

BNFM Makati

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

15 hours ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

15 hours ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

15 hours ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

15 hours ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

15 hours ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

16 hours ago