ICT Proficiency Diagnostic Examination for Programmers gagawin ng DICT Zambales

ZAMBALES- Magsasagawa ng ICT Proficiency Diagnostic Examination for Programmers ang Department of Information and Communication Technology Zambales.

Ito ay para sa mga ICT Professionals, Engineers, Graduating ICT at mga Engineering students.

Gaganapin sa DICT Zambales Provincial Office sa bayan ng Iba ang eksaminasyon kung saan ang unang batch ay gagawin sa June 10 habang sa June 11 naman ang second batch.

Labinlima katao lamang ang iaakomoda ng DICT kada batch bilang pagsunod sa health protocols.

Samantala, maaaring makita sa facebook page ng DICT Zambales ang link ng form para makapagfill-up.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

May be an image of text that says 'CuraMed 100Capsules S CuraMed HERBAL CAPSULE POOR SLEEP CAUSES Memory Loss AND Forgetfulness 836201'

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *