ICU beds sa Naga City High Risk na; Barangay na hindi isinasailalim sa weekend ECQ iisa na lamang

NAGA CITY- 75% nang nagamit ang ICU Beds para sa COVID patients sa Naga City , sa assessment ng Department of Health Bicol ito ay nasa High Risk na.Maliban pa rito 80% na ring ang nagamit na mechanical ventilators o High Risk na rin. 54.8% na ang nagagamit na Isolation Beds for COVID as of October 3, 2021.

Ayon sa Health Emergency Response Task Force kahit na nga nasa ilalim na ng Modified Enhanced Community Quarantine kailangan pa ring maghigpit bago pa umabante sa pinakamabigat na quarantine classification.

Ikinalungkot ni Liga ng mga Barangay President/ Councilor Dodit Beltran na isiang Barangay na lamang ang hindi nasasakop ng weekend lockdown, ito ay ang kaniyang nasasakupan na Bagumbayan Norte, dati kabilang pa ang Barangay Panicuason subalit may naitalang 23 positibo sa COVID-19 sa iisang compound lamang.Gayunpaman binigyag diin ni Beltran ang mga residente sa Bagumbayan Norte hindi maaaring pumasok sa naka ECQ na barangay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *