IEC ng Bataan PECU naging epektibo

Naging epektibo umano ang ginagawang Information Education Campaign ng Bataan Provincial Explosive and Canine Unit sa mamamayan.

Ito ay may kaugnayan sa mga dapat at hindi dapat gawin sakaling may makikitang bomba o anumang uri ng pampasabog.

Mula nakaraang taon hanggang ngayon ay nasa 150 hanggang 200 piraso na ng bomba ang narerekober ng PECU dahil na rin sa tulong ng publiko na agad nagrereport kapag mayroong nadidiskubre.

Ayon kay PECU Chief Pcapt. Esteban Baylon III, ang Bataan ay epic center noon ng gyera taong 1942 kaya hindi maiwasan na may mga naiwang bomba.

Dahil dito puspusan ang pagbibigay ng tamang impormasyon ng kanilang opisina sa mamamayan para maiwasan ang disgrasya dahil may posibilidad pa rin umanong sumabog ang mga vintage bomb.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

May be an image of 4 people, child and text that says 'BE AWARE OF THE EARLY SIGNS Headache Persistent Coughing Runny Nose Fever Sore Throat Power Cells Tuldukan HERBAL CAPSULE ang sakit!'

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *