IED at kagamitan sa paggawa ng bomba, narekober sa bakuran ng Barangay Kagawad; asunto, inihahanda na

SORSOGON CITY – Inihahanda na ng Barcelona Police ang kasong isasampa sa isang Barangay Kagawad ng Barcelona makaraang makuhanan ito ng bomba at ilang kagamitan sa paggawa ng bomba sa loob mismo ng kanyang bakuran sa Brgy Sta Lourdes.

Kinilala ang opisyal ng barangay na si Nora Garote. Binitbit ito ng mga awtoridad pababa ng bundok matapos ang naganap na engkwentro noong Enero 21 sa nasabing lugar para i-endorso sa himpilan ng pulisya.

Isang IED, switch at 50 metros ng wire ang narekober sa bakuran ni Garote na hinihinalang tagasuporta ng rebeldeng grupo.

Mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9516 o illegal possession of explosives ang nasabing opisyal ng barangay.

Sa kaugnay na balita, nakilala na ang NPA na nasawi sa nasabing engkwentro. Kinilala ito ng kanyang pamilya  na si Levy Haz, 38-anyos at residente ng nasabing barangay.

Si Haz ay aktibong miyembro ng NPA.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *