Ika-16 na anibersaryo ng pananalasa ng bagyong Reming sa Albay, inalala ngayong araw

Muling inalala ng mga residente ng Brgy. Padang, Legazpi City ang hindi malilimutang pangyayari sa kasaysayan ng Albay – ang pananalasa ng bagyong Reming noong taong 2006.

Nagsagawa ng banal na misa sa multi-purpose hall Typhoon Reming Commemoration Monument kasama ang Ako Bicol Party list, mga opisyal ng barangay at mga residente kung saan ang mga ito ay nag-alay din ng kandila para sa yumao nilang mahal sa buhay.

Ayon kay Cong. Raul Angelo “Jil” Bongalon ng AKB, kailangang palakasin pa ang Risk Reduction and Disaster Preparedness dahil Bicol ang ang palagiang dinaraanan ng mga bagyo.

Aniya, bibigyan din ng tuon ng nasabing party list ang pagbibigay-proteksyon sa kalikasan upang maiwasan ang anumang epekto na magdudulot ng kalamidad.

Dagdag pa nito, ang pagtatayo ng Padang Memorial Cross ay nagpapaalala ng madilim na pangyayari ngunit mayroon pa ring pagasa.

Kung maaalala, November 30, 2006 nang maglandfall sa Albay ang nasabing bagyo na may lakas na 250 kilometer/hr na naging dahilan ng Ika-16 taong anibersaryo ng pananalasa ng bagyong Reming sa Albay, inalala ngayon arawagkasawi ng libu-;libong residente at kasama na rito ang mga nananatiling missing persons.

Karamihan sa mga ito ang inanod ng lahar at ang iba’y nailibing pang buhay kasama ang mga bahay nito.

Samantala, sinabi ni Capt. Harold Bembenuto, magsilbi itong aral sa kanila matapos maranasan ang trahedya.

Ayon din sa opisyal, tuwing mayroong papasok na bagyo sa Albay ay lagi na silang naghahanda at nagbibigay na silang ng pagpapaalala sa mga residente upang lumikas patungo sa evacuation center.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *