Ika-160 kaarawan ni Dr. Jose Rizal, inalala

Inalala ng ilang lokal na opisyal ang ating pambansang bayaning si Dr. Jose Rizal sa selebrasyon ng ika-160 anibersaryo ng kanyang kapanganakan ngayong araw.

Pinangunahan ni Manila Vice Mayor Honey Lacuna ang pag-aalay ng bulaklak sa Rizal Monument sa Luneta kaninang umaga.

Dumalo rin sa seremonya si National Park Executive Committee director Cecille Romero.

Nagsagawa rin ng 21-gun salute ang militar para bigyang pagkilala si Rizal.

Dahil sa seremonya, ni-reroute ang trapiko sa area at isinarado ng mga otoridad ang portion ng Roxas Boulevard mula Katigbak Drive patungong T.M Kalaw Street.

Para naman matiyak ang seguridad sa area, nag-deploy ang Manila Police District ng mga personnel sa perimeter ng Rizal Park.

Samantala, naghintay naman ang mga miyembro ng religious group Rizalistas na matapos ang seremonya para mag-alay ng bulaklak.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *