Ika-anim na flight ng mga umuwing OFWs ligtas na lumapag kahapon sa SBFZ

Nakalapag nang ligtas ang Philippine Airlines Flight PR685 kahapon sa Subic Bay International Airport na ika-anim nang flight ng mga returning Overseas Filipino Workers via SBFZ.

Ito ay sa kabila ng hindi magandang panahon na naranasan dahil na rin sa bagyong Fabian.

Ayon sa Subic Bay Metropolitan Authority, sakay nito ang 290 na pasahero mula sa Doha, Qatar.

Tulad ng mga nauna nang dumating, mananatili ang mga ito sa mga DOT accredited accommodation facility sa SBFZ para sa kanilang quarantine period at dadaan sa mga proseso bago makauwi sa kani-kanilang lugar.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

Photo Courtesy: SBMA Chair & Administrator

May be an image of one or more people and text

Leave a Reply

Your email address will not be published.