Ika-tatlumpung taon ng selebrasyon ng pinyasan festival, isasagawa ngayong buwan ng hunyo; ilang aktibidad ng tourism office ng bayan ng daet, isinapubliko

CAMARINES NORTE- Isinapubliko ng Daet Tourism office ang ilang kaganapan kaugnay sa selebrasyon ng ika-tatlumpung taon ng Pinyasan Festival na magaganap ngayong buwan ng hunyo

Kabilang na d’yan ang paghahanap sa susunod na kokoronahan bilang Miss Daet, Miss Pinyasan at Miss Tourism 2023

Ilan sa mga requirements sa nasabing patimpalak ay dapat 18 hanggang 25 taong gulang ang lalahok. Artleast 5’3 ang taas, single at kailangang inindorso ng Barangay o ng Non-government organization bilang kanilang opisyal na kandidata.

Magkakaroon din ng patimpalak para sa mga miyembro ng LGBTQIA+ na Miss Gay Pinyasan 2023

Ang nasabing patimpalak, ay bukas umano sa lahat ng Camnorteña na gustong makilahok. Ilan sa requirements dito ay dapat 17 hanggang 30 taong gulang, at least 5’3 ang taas, at hindi pa dapat title holder ng Nationa, regional, o kahit Provincial level sa nakalipas na limang taon.

Ayon sa Municipal Tourism Office, ang submission ng aplikasyon para sa nasabing Miss Daet 2023 at Miss Gay Pinyasan 2023 ay hanggang ngayong araw na lamang, May 26, 2023.

Samantala, magkakaroon din ng Festival Costume Competition alas 9 ng umaga sa ika-22 ng hunyo taong kasalukuyan sa Daet Heritage Center. Ang kompitisyon na ito ay bukas sa lahat ng local designer sa lalawigan ng Camarines Norte.

Ang mga nasabing aktibidad para sa nalalapit na Pinyasan festival ay hatid umano ng Local Government Unit ng Daet at Municipal Tourism, Culture and Arts Office.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *