Ikalawa sa Municipal Most Wanted Person sa bayan ng Talisay naaresto sa Cainta, Rizal

CAMARINES NORTE- Arestado ang isang Taxi driver nitong Mayo 26, 2021 bandang alas 4:28 ng hapon sa Barangay San Isidro, Cainta, Rizal

Kinilala itong si RENE CONVENCIDO y Capellan, 49 anyos, isang taxi driver at residente ng Barangay Calintaan, Talisay at itinuturing na ikalawa sa Municipal Most Wanted Person para sa buwan ng Mayo ng Talisay PNP

Bitbit ang warrant of arrest ng pinagisang pwersa ng mga otoridad ay nadakip si Convencido dahil sa kasong Rape in Relation to RA 7610 at walang rekomendadong pyansa

Napagalaman na ang warrant of arrest laban kay Convencido ay ipinalabas ng korte taong pang 2019

ang nabanggit na akusado ay nasa kustodiya na ng Talisay Municipal Police Station para sa kaukulang disposisyon.

Samantala, ang pagaresto sa nabanggit na suspek ay alinsunod sa sa pinaigting na kampanya ng pambansang pulisya upang madakip ang mga taong pinaghahanap ng batas, sa pamamagitan ng Enhanced Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operations o E-SACLEO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *