Ikalawang aberya sa CAAP, dapat nang maging dahilan ng resignation ng mga opisyal nito

Tila ‘deja vu’ na ang nangyari dahil sa ikalawang pagkakataon – pumatak na naman ng Bagong Taon ang aberyang naranasan sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP).

Kung noong New Year, January 1 ay nasira ang Communications, Navigation and Surveillance Systems for Air Traffic Management (CNS/ATM) ng CAAP, kahapon namang Lunar New Year ay naapektuhan ang nasa 3,500 pasahero.

Paliwanag ng CAAP, pansamantalang na-delay ang mga flights habang pinapalitan ang cooling fan ng ikalawa nilang uninterruptible power supply (UPS).

Ayon kay Senate Public Services chairperson Senadora Grace Poe – tila raw ay hindi inaanticipate ng CAAP officials na magkakaroon ng mga rescheduled flights gayong alam naman nilang magsasagawa sila ng maintenance.

Matatandaaang maging si Senador Francis Tolentino ay isa rin sa mga naapektuhan ng mga flight delays.

Dahil dito, nakastigo ang CAAP dahil wala naman silang ginawang abiso sa mga airline companies.

Naniinwala naman si Senador Win Gatchalian na isa na itong incompetence.

Aniya – ‘lightning can’t hit twice’ kaya naman may pananagutan na talaga ang CAAP sa insidente.

Kung hindi raw revamp sa CAAP – bakit hindi na lang sila magsipag-bitiw sa puwesto para bilang delicadeza sa makailang-ulit na aberya sa mga paliparan.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *