Ikatlong round ng rollback sa presyo ng produktong petrolyo, namumuro ulit

Magandang balita sa mga motorista dahil namumuro na naman sa susunod na linggo ang bagong round ng rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo.

Ayon sa oil industry sources, posibleng mabawasan ng P1.90 hanggang P2.10 ang kada litro ng gasolina.

Mula P1.70 naman hangganag P2.00 ang inaasahang tapyas sa kada litro ng diesel.

Sa kerosene, posible ang P1.30 hanggang P1.60 kada litro na rollback.

Kapag nagkataon – ito na ang ikatlong linggong sunod na rollback sa gasolina, habang ika-pitong na linggo naman na rollback sa diesel at kerosene.

Araw ng Lunes, iaanunsyo ang opisyal na price adjustment, habang ipatutupad naman ito sa araw ng Martes.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *