Ilan pang bansa, nagpahayag daw ng intensyon para sa pagsasagawa ng joint patrols sa WPS

Ilang bansa pa raw ang naghayag ng intensyon para sa pagsasagawa joint patrol sa West Philippine Sea.

Ito ang sinabi ni Armed Forces of the Philippines (AFP) chief General Romeo Brawner Jr.

Para kay Brawner, ang interes ng ibang bansa ay isang napakagandang indikasyon para sa Pilipinas na may mga like-minded nations na sumusuporta sa rules-based international order para matiyak ang seguridad sa Indo-Pacific region.

Samantala, sinabi ni US Indo-Pacific Command commander Admiral John Aquilino na ang US at Pilipinas ay nagsagawa ng kanilang unang joint patrols na nangyari ito noong September 4.

Sabi ni Admiral Aquilino, magpapatuloy ang joint patrols upang matiyak na mapapanatili freedom of the seas at freedom of airspace upang ang lahat ng mga bansa sa matamasa ang kapayapaan at kaunlaran sa rehiyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *