Ilan pang mga PDLs na lumutang ang pangalan sa kaso, ‘secured’ na ng mga otoridad

Kinumpirma ni Justice Secretary Boying Remulla na nasa pangangalaga na ng mga otoridad ang ilan pang mga persons deprived of liberty o PDLs na posibleng may kaugnayan sa kaso ng pagpatay sa brodkaster na si Percy Lapid.

Ayon kay Remulla, ang PDL na si Herman Agoho ay kasakuluyan nang ‘secured’ sa isang padilidad ng militar.

Hawak na rin ng National Bureua of Investigation ang tatlong iba pang mga PDLs na lumutang ang pangalan sa nagpapatuloy na imbestigasyon sa kaso.

Sa ngayon, sinabi ng Kalihim na gumugulong pa rin ang vetting o pagbe-beripika sa mga alegasyon at testimonya ng mga ito.

Naibahagi na rin umano nila kay Pangulong Bongbong Marcos ang mga developments sa kaso.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *