NAGA CITY – Pinaboran ng ilang manininda sa Naga City, ang dagdag na piso sa pamasahe sa mga jeep.
Ito ay matapos aprubahan ng Land Transportation and Franchising Regulatory Board o LTFRB na provisional fare increase.
Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Salvador Arandia, 62 taong gulang, taga Barangay Balatas ng lungsod, at higit tatlong taon nang nagtitinda ng siopao, sinabing walang problema sa kung nadagdagan ang pasahe sa jeep basta’t ang importante aniya makaka-avail sila ng diskwento, naiintindihan rin kasi ang kalagayan ng mga jeepney driver, hindi rin ito kabawasan sa kanyang kita, huwag na lamang aniyang umabot sa limang piso.
Epektibo ito sa Oktubre 8, na ipapatupad sa buong bansa. Mula sa ₱12.00 magiging ₱13.00 na ang minimum fare sa mga traditional na jeep habang ₱15.00 naman sa mga modern PUJ.
Idinagdag na rin ni Arandia, hinggil naman sa kahilingan sa dagdag na pasahe o ibalik sa P15.00 sa mga tricycle, hindi ito naging paborable sa kanya dahil na rin sa pagtaas ng mga bilihin at minsan abusado pa ang ilang tricycle driver.