Ilan sa raliyesta sa harap ng Ipilan Nickel Corporation, hindi umano lahat ay tumututol sa pagmimina

Aminado ang isang mining advocate na hindi nito natitiyak na lahat ng kasama  sa nagaganap na rally sa harap ng Ipilan Nickel Corporation sa barangay maasin sa Brooke’s Point, Palawan ay tumututol sa pagmimina.

Sa pulong balitaan nitong Biyernes ay inihayag ni Pastor Job Lagrada na hindi lahat ng kasama sa rally ay iisa ang prinsipyo dahil may dating Anti- Mining ang Pro-Mining na ngayon.

Isa umano sa dahilan nito ay wala ng makain ngunit ang mga Anti- Mining ay nananatili at patuloy na nagsasakripisyo kahit walang-wala na at magbilad pa sa initan.

Gayunpaman, nilinaw ni Lagrada na hindi nila itinuturing na kaaway ang mga empleyado ng minahan kundi nais lamang nilang ipahayag ang pagtutol sa pagmimina.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *