Ilang 4P’s   beneficiaries sa bayan ng Mercedes nagtapos na sa programa

CAMARINES NORTE- Naka- graduate na sa programa ang nasa 189 benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4P’s sa bayan ng Mercedes, Camarines Norte kahapon.

Ginawa ang programa na tinatawag na Pugay Tagumpay sa Municipal Evacuation Center ng naturang bayan na dinaluhan ni Mayor Alexander Pajarillo at ng mga taga Department of Social Welfare and Development (DSWD), Municipal Social Welfare and Development Office at iba pang stakeholders.

Ipinaliwanag ni Municipal Social Welfare and Development Officer Annie Baynas ang  panuntunan ng mga nagtapos na sa programa.

Batay sa panunduyan, ng 4P’s  ang isa sa basehan nito ay yaong mga beneficiaries na nag improved o nakatawid sa poverty line at kabilang sa kategoryang Code 14 ibig sabihin ” no eligible beneficiaries na.

Ayon naman kay Mayor Alexander Pajarillo na kapag ginamit lang talaga sa tamang paraan ang 4P’s  ay malaki ang magagawang tulong nito sa bawat pamilya.

Pinaalalaha nan din ng Alkalde  ang mga benepisyaryo ng programa na huwug isanla ang cash card.

Mababatid na mayroong ordinansa sa naturang bayan na nagpapataw ng penalidad sa mga magsasangla at pinagsanlaan ng cash card.

Ayon naman sa Public Employment Service Office o PESO magiging prioridad sa DOLE Tupad program sa susunod na taon ang mga naka- graduate na sa 4P’s.

Ibinahagi naman ng ilang benepisyaryo kung paano binago ang kanilang buhay ng 4P’s.

Sa datos ng DSWD nasa mahigit 33, 000 ang active household ngayon sa lalawigan,  3, 196 ang delisted  at 4, 797 inactive household.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *