Ilang accomplishment ng DAR ibinida sa isang pagtitipon ng Irrigators Association sa Camarines Norte

CAMARINES NORTE- Ibinida ng Department of Agrarian Reform (DAR) ang kanilang mga accomplishment sa isang pagtitipon ng Irrigators Association sa Camarines Norte noong nakaraang linggo.

Ayon sa kinatawan ng ahensiya sa ngayon ay kanilang tinutulungan ang tatlong Irrigators Association sa lalawigan na kinabibilangan ng Mambuton- Naboongan sa Colasi, Mercedes at Atungon Irrigators Association sa Pambuhan Mercedes.

Ang mga ito ay nabigyan umano ng combine harvester,  wheel tractor, rice transplanter at hand tractor.

Nakapagbigay din daw ng 50 hp wheel drive tractor sa Atungon, Pambuhan, harvester at transplanter.

Mayroon din umanong plano ang DAR sa susunod na taon para sa rice at irrigated areas kung saan may pooyektong major crop based black farming na isasagawa sa Mantigbi, Vinzons kung saan mamimigay din ng makinarya.

Ngayong unang linggo naman ng Disyembre ay may parating umanong drive tractor para naman sa Sto Domingo, Vinzons.

Inihayag rin ng ahensiya  na ang focus na nila sa susunod na taon ay hindi na sa irrigated at rice areas kundi sa coconut.

Hindi rin daw tumigil ang DAR sa pamimigay ng machineries at kanila lang itong ina- identify.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *