Ilang alkalde sa Metro Manila, tutol sa walk-in policy sa gitna ng ECQ vaccination

Ipinaalala ng local chief executives ng Quezon City at Caloocan City sa mga constituents nito na mag-iimplementa ang mga otoridad ng no walk-in policy sa kani-kanilang mga vaccination sites.

Sa magkahiwalay na pahayag ay ipinaliwanag ng mga alkalde na layon nito na maiwasan ang overcrowdding at paglaganap ng COVID-19.

Sinabi ni QC Mayor Joy Belmonte na nag-isyu sila ng paalala matapos nilang makatanggap ng mga ulat na dumagsa ang malaking bilang ng mga hindi rehistradong mamamayan sa mga inoculation sites, habang meron employers ang nag-ban umano sa mga hindi bakunado na empelyado.

Binatikos ni Belmonte ang mga nasabing hakbang na tinukoy nito bilang discriminatory at sinabi na pwedeng mawalan ng hanap-buhay ang mga empelyado dahil sa economic consequences ng lockdown restrictions.

Inanunsyo naman ni Caloocan City Mayor Oscar Malapitan sa isang Facebook post na mag-iimplementa sila ng registration system para sa inokulasyon sa gitna ng enforcement ng metro-wide enhanced community quarantine ngayong Agosto.

Ipinunto niya na hahanapan ang lahat ng mga lalabas upang magpabakuna ng katunayan na sila ang may kumpirmadong appointment o schedule.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *