Ilang area sa Naga City at ibang bayan na sakop ng MNWD, halos isang buwan pang makakaranas ng pagkukulang sa supply ng tubig

NAGA CITY – Halos isang buwan pang makakaranas ng pagkukulang sa supply ng tubig ang ilang area ng Naga City at ibang bayan na sakop ng Metropolitan Naga Water District.

Ito ang napag-alaman kay Acting General Manager ng MNWD, Florencio “Jun” Mongoso Jr.

Sunod-sunod kasi ang nagiging pag-aayos sa mga water pump station at pagpapalit ng bagong makinarya dahil sa matagal na ring ginagamit at sobrang luma na ang iba.

Sampung bagong makina, ang nakatakdang ipapalit, natapos na sa Pacol 2, Cararayan 1, Magdalena Concepcion Grande, at sa Panicuason.

Maliban pa riyan, malaki din ang epekto ng El Niño dahil sa bumaba ang level ng tubig.

Dagdag pa ng opisyal, pagtugon na rin nila ito sa problema, lalo na’t kapag bago ang makina, maliban sa mababa ang kunsumo sa kuryente, malakas pang makapaghugot ng supply ng tubig mula sa ilalim.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *