Ilang bahagi ng inangkat na sibuyas, ibebenta na sa mga palengke ngayong linggo

Inaasahang ibebenta na ngayong linggo ang halos 600 metric tons (MT) ng mga imported onions na nasa cold storage.

Ayon sa Bureau of Plant Industry (BPI), nasa 218 metric tons ng dilaw na sibuyas, o yung puting sibuyas at 370 metric tons naman ang pulang sibuyas na nasa cold storage na.

Sinabi ni BPI Industry Information Section OIC Jose Diego Roxas, na ang mga ito ay subject pa sa second border inspection, na ibig sabihin titingnan ng mga otoridad ang mga containers para matiyak na ang mga ito ay deklarado.

Ang mga sibuyas umano sa storage ay bahagi lang sa 5,000 MT na inaasahang darating sa bansa ngayong linggo.

Mababatid na ang inisyal na plano ay umangkat ng 21,000 MT tons ng sibuyas, pero sinabi ni BPI officer-in-charge Gerald Panganiban na nasa 5,000 MT ang inaasahang papasok, dahil ang application to import ay nasa 25% pa lamang ng approved allotment.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *