Ilang bayan sa Puerto Rico dahil sa hurricane Fiona

Lubog ngayon sa matinding baha ang mga bayan ng Toa Baja, Manati at Anasco sa Puerto Rico dahil sa ulan na dala ng hurricane Fiona.

Ayon sa report, ito ang unang hurricane na tumama sa Puerto Rico matapos ang limang taon at maituturing na pinakamapanira sa kasaysayan ng isla.

Ilang tulay din sa Puerto Rico ang sinira ng baha na dala ng patuloy na malakas na ulan kung saan base sa video footage, tinangay ng baha ang buong tulay.

Nawalan din ng suplay ng kuryente ang mga apektadong bayan na nagpahirap sa rescue operation. Kaugnay nito, nagdeklara ng state of emergency sa US island si President Joe Biden.

Leave a Reply

Your email address will not be published.