Local News

Ilang benepisyaryo ng Balik Probinsya Program sa Camarines sur, sumailalim sa Training on Poultry Production and Management

NAGA CITY—Sumailalim sa Training on Poultry Production and Management ng Department of Agriculture Bicol ang mga benipisyaryo ng Balik Probinsya, Bagong Pag-asa Program sa Camarines Sur.

Umabot sa mahigit 10 beneficiaries ng nasabing programa ang lumahok na pinangunahan ng Agricultural Training Institute Regional Training Center at ng Cooperative Development Authority sa pakikipag-ugnayan ng Camarines Sur Provincial Government.

Layon nito na mabigyang sapat na kaalaman ang mga BP2 beneficiaries at mahikayat na pumasok sa agro-industrialization sa pamamagitan ng hands-on-training na ibibigay ng DA RFO V at ng DA-ATI RTC V.

Inilatag naman ng CDA ang mga serbisyo na kanilang ibinibigay sa bawat miyembro tulad ng libreng seminars, cooperative registration at educational trainings.

Nangako naman ang DA Bicol at Provincial LGU na magbibigay sila ng tulong sa mga benipisyaryo.

Matatandaan na isinulong sa Kongreso ng may akda na si 2nd District Rep. Lray Villafuerte ang House Bill 6970 o ang Balik Probinsya Act 2020 na layong mabigyan na pag-asa ang mga Balik Probinsya Beneficiaries para makapagsimula ng bagong buhay sa Camarines Sur.

BNFM Naga

Recent Posts

CHR – umaasang kikilalanin na ang due process kasunod ng desisyon ng Korte Suprema laban sa red-tagging

Wi-nelcome ng Commission on Human Rights (CHR) ang naging desisyon ng Korte Suprema kung saan…

31 seconds ago

Mas maraming Multilateral at Maritime Cooperative activities, hangad ng DND sa mga kaalyadong bansa

Matapos ang matagumpay na Balikatan exercise ngayong taon, pinaigting ng Department of National Defense ang…

8 mins ago

Hanggang P2 na rollback sa gasolina – namumuro sa susunod na linggo

GOOD NEWS sa mga motorista! Nadagdagan pa ang inaasahang rollback sa presyo ng mga produktong…

12 mins ago

DOLE, tiniyak ang mga hakbang na reresolba sa tumaas na unemployment rate sa bansa

Pinag-aaralan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang naitalang bahagyang pagtaas sa bilang ng…

27 mins ago

Korte Suprema: ‘red-tagging’ bilang banta sa kalayaan, isang patunay na pagbibigay ng halaga ng gobyerno sa demokrasya

Wi-nelcome ni Senate Deputy Minority Leader Risa Hontiveros ang naging pagdeklara ng Korte Suprema sa…

43 mins ago

Exporters sector, hihirit ng moratorium sa mga wage hike; Ilang kongresista naman, umapela

Posibleng hilingin ng Confederation of Wearable Exporters of the Philippines sa gobyerno na magpatupad ng…

58 mins ago