Ilang Cabinet members, posibleng otomatikong ma-bypass dahil sa kakulangan ng oras

Nagbabala ang isang miyembro ng Commission on Appointments na maaaring tuluyan nang ma-bypass ang ilang mga miyembro ng Gabinete ng administrasyong Marcos.

Sa isang panayam, sinabi ni SAGIP party-list Rep. Rodante Marcoleta na maaring hindi na matapos ang pagpapatuloy ng deliberation ng ad interim appointments ng isang opisyal dahil sa kakulangan ng oras.

Paliwanag ni Marcoleta, maaaring hindi na kayanin ng Kongreso ang mga nalalabi pang confirmation hearings.

Nakatakda na kasing magkaroon ng five-week holiday break ang dalawang Kapulunagn ng Kongreso simula December 17.

Dahil dito, ang mga hindi maco-confirm ng CA ay kailangan pa uling i-reappoint ng Pangulo.,

Matatandaaang nakaraang linggo nang suspendihin ang pagdinig para sa appointment ni Commission on Audit (COA) commissioner Gamaliel Cordoba.

Naungkat kasi ang isyu ng ABS-CBN franchise na maaalalang binasura sa ilalim ng liderato ni Cordoba sa National Telecommunications Office (NTC).

Maliban kay Cordoba, ilan sa mga hindi pa nakalulusot sa CA ay sina Trade Secretary Alfredo Pascual, Energy Secretary Raphael Lotilla, NEDA Secretary Aresnio Balisacan, DICT Secretary Ivan John Uy; DMW Secretary Toots Ople, at DHSUD Secretary Jose Rizalion Acuzar.
#

RELATED SORIES:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *