Ilang COVID-19 restrictions sa Norway, paluluwagin

Aalisin na ng Norway  sa mga darating na araw ang ilan sa mga measures na unang ipinatupad nito para labanan ang COVID-19.

Sinabi ni Prime Minister Erna Solberg na oras na para gumawa ng hakbang na patungo sa “next level.”

Habang nagpapatuloy ang vaccination roll-out sa Norway ay inanunsyo ni Solberg na isasagawa na nila ang third at fourth phases ng kanilang reopening plan.

Plano ng Norway na mapayagan ang mga bars na makapagbenta muli ng alak ng after midnight habang papayagan naman ang hanggang 5,000 tao na makanuod sa sports events.

Pahihintulutan na rin ang mga parties at weddings na may hanggang 100 na bisita.

Dodoblehin na rin ng Norway sa 20 ang bilang ng mga tao na pwedeng dumalo sa house parties.

Hindi na rin ire-require sa mga adults ang pagpapanatili ng ligtas na distansya mula sa isa’t-isa sa sports, habang aalisin na ang travel advice sa loob ng Nordic country.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *