Sumuko sa mga otoridad ang ilan pang dating myembro ng communist terrorist group o CTG mula sa iba’t ibang lugar sa Central Luzon.
Sa ulat ng Police Regional Office 3, tig dalawa dito ay mula sa Aurora at Zambales habang tig-iisa namang sumuko ay mula sa Bataan, Nueva Ecija, Olongapo at Tarlac.
Kasabay ng pagbabalik loob sa gobyerno ay kanila rin umanong isinuko ang mga kani-kanilang armas.
Maliban sa mga ito, ay may ilang grupo rin ang kumalas ng suporta mula sa makakaliwang grupo.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO
