Ilang empleyado ng BIR, naglabas ng saloobin sa nararanasang verbal abuse mula sa mga tax payers

SORSOGON CITY- Inamin ng pamunuan ng Bureau of Internal Revenue-Sorsogon na ilang empleyado ng kanilang tanggapan ang nakararanas ng verbal abuse mula sa mga binibisitang tax payers sa lalawigan.

Sa pahayag sa Brigada News FM ni BIR-Sorsogon Revenue District Officer Princini B. Parco, sinabi nito na hindi nila ikakaila na ilang beses na itong nangyari sa ilan sa kanilang staff matapos tumungo sa iba’t- ibang sulok ng probinsya upang magpaalala sa responsibilidad ng ilang negosyante na magrehistro ng kanilang negosyo sa tanggapan.

Ayon kay Parco, kadalasan kasi ayaw tanggapin ng ilang negosyante ang responsibilidad na ipinapataw sa kanila ng gobyerno sa pagbabayad ng buwis.

Samantala, sa kabila nito ay nananatiling matatag ang kanilang hanay sa pang-unawa at panananatili sa kanilang paninindigan na ipatupad sa mga negosyante ang tamang pagbubuwis.

Naniniwala ang opisyal na hindi maiiwasan ang ganitong mga sitwasyon at nasa kanilang empleyado na lamang ang susi upang manatiling kalmado at dagdagan ang kanilang toleransiya sa mga negatibong reaksyon ng mga negosyante at maging ng publiko.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *