Ilang grupo sa bread at baking sector, umaaray na sa sabay na pagsirit ng presyo ng petrolyo at ng trigo

Naniniwala ang ilang grupo ng mga panadero na dapat nang taasan ang presyo ng tinapay.

Ito ay matapos ang taas-presyo sa wheat o ‘yung ‘trigo’, pati na rin ang sunod-sunod na oil price hike.

Sa isang panayam, sinabi ni Philippine Fedaration of Bakers Association Inc. spokesperson Chito Chavez na dapat nang magbago ang presyo ng pandesal sa pamilihan.

Sa ngayon daw kasi, paliit na lang ito nang paliit dahil sa mataas na presyo ng mga raw na sangkap.

Tila nawawala na raw ng kalidad ang pandesal at baka maapektuhan na rin ang industirya nito sa oras na ‘di pa magtaas ng presyo ang tinapay.

Sinabi naman ni Philippine Association of Flour Millers Inc. Exec. Dir. Ric Pinca na apektado na rin sila sa mga taas-presyo na ito.

Dahil dito, umaasa raw sila na sa pag-take over ni President-elect Bongbong Marcos sa DA ay matututukan nito ang food security.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *